PNP nakaalerto pa rin sa Mindanao
MANILA, Philippines — Mananatiling nakaalerto at vigilante ang mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) sa Mindanao upang mapanatili ang peace and order hindi lamang sa rehiyon kundi sa buong bansa.
Ito’y matapos ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na palalawigin pa ang martial law sa buong Mindanao Region na magtatapos na sa Disyembre 31 ng taong ito.
“We assure the public that the PNP remains alert and vigilant to prevent occurrence of crimes, enforce the law, and maintain peace and order nationwide,” pahayag ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernard Banac.
Matatandaang isinailalim ni Duterte ang Mindanao sa Martial Law noong Mayo 23, 2017 matapos kubkubin ng ISIS-inspired Maute Group ang Marawi City.
Tatlong beses itong na-extend mula noon.
Una nang nagpahayag si Defense Sec. Delfin Lorenzana na wala na silang nakikita pang dahilan upang magkaroon ng martial law extension.
- Latest