Live coverage sa Maguindanao massacre verdict aprub - SC
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MAGUINDANAO, Philippines — Kinatigan ng Korte Suprema ang hiling ng iba’t ibang media organization na payagan ang live coverage at live

streaming sa promulgation sa kaso ng Maguin­danao massacre sa Dis­yembre 19.

Sa anunsyo ng Supreme Court kahapon, limitado lamang anila ang mga camera sa loob kung saan naka-focus ang isa sa judge at isa sa mismong

partido at counsel nito habang hindi naman pahihintulutan ang mga ‘zoom-in’ na kuha.

Tanging mga accredited media representatives lamang ang papayagang makapasok dahil sa limitadong espasyo nito.

Ipagbabawal din sa loob ng court room sa Camp Bagong Diwa, Taguig ang cellphone, audio o video recording, at iba pa.

Maging ang pagsasagawa ng interview ay ipinagbabawal din.

Maaalalang 58 indibidwal ang nasawi kung saan 32 ang naitalang journalist sa Ampatuan, Maguindanao noong November 23, 2009. 

Ang petisyon na inihain ng National Union of Journalists of the Philippines, Center for Media Freedom and Responsibility at Philippine Center for

Investigative Journa­lism ay suportado ng mga mainstream news outlet.

MAGUINDANAO MASSACRE SUPREME COURT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with