Mga bawal na paputok tinukoy ng PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 11, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ilang linggo bago ang pagsalubong sa Bagong Taon, tinukoy na ng Philippine National Police (PNP) ang mga ipinagbabawal na paputok sa bansa na mahigpit nilang tututukan.

Kabilang dito ang piccolo, watusi, giant whistle bomb, giant bawang, judas belt, super lolo, lolo thunder, atomic bomb, atomic bomb trian­gulo, pillbox, boga, goodbye earth, goodbye bading, Hello Columbia, Goodbye Philippines at iba pa.

Ang lahat ng paputok na higit sa 0.2 gramo ang sangkap na pulbura ay ipinagbabawal gamitin.

Ayon kay PNP spokesman Police Brig. Gen. Bernard Banac, panahon na para mawakasan ang deka-dekada nang naita­talang malaking bilang ng mga nasawi at nasu­gatan sa paputok sa tuwing magpapalit ang taon.

Batay sa datos, mula sa 929 firecracker related incidents noong 2016, malaki na ang ibinaba nito sa pagpasok ng 2019 na nakapagtala lamang ng 307 kaso ng mga nasugatan sa bawal na papu­tok.

PAPUTOK PHILIPPINE NATIONAL POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with