Ayon kay Banac, mula sa dating bilang na 87 mga tiwaling parak na sangkot sa illegal drug trade ay nasa 22 na lamang ngayon ang mga aktibo sa serbisyo na kanilang binabantayan.
STAR/Edd Gumban
22 pang ‘ninja cops’, tinututukan ng PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawampu’t dalawang ‘ninja cops’ o mga pulis na sangkot sa pagre-recycle ng ilegal na droga ang tinututukan ngayon ng Philippine National Police (PNP).

Ito ang kinumpirma kahapon ni PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac .

Ayon kay Banac, mula sa dating bilang na 87 mga tiwaling parak na sangkot sa illegal drug trade ay nasa 22 na lamang ngayon ang mga aktibo sa serbisyo na kanilang binabantayan.

Ibinulgar din ni Banac na police Major ang pinakamataas na ranggong nasa listahan ng PNP-IMEG at hindi heneral o colonel tulad ng sinabi noon ni Pangu­long Rodrigo Duterte.

Samantalang, bukod sa police Major, kabilang pa sa 22 pulis na sangkot sa ilegal na droga ay dalawang Lieutenant  at 19 Non-Commissioned Officer.

“Sa nagdaang panahon ay nakatanggap tayo ng ulat of course, pero kailangan ng katibayan, ebidensya kaya nasa watchlist na rin sila”, ang sabi ng opisyal.

Nabatid pa na ang nasabing mga parak ay bukod pa sa 13 ninja cops na una nang natukoy na sangkot sa Pampanga drug raid noong Nobyembre 23, 2016 na napatawan ng parusa sa kasong administratibo at nililitis din sa kasong kriminal. 

NINJA COPS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with