^

Bansa

Helper umawat sa away, patay

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Helper umawat sa away, patay
Isinugod pa sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Sammy Amurao, 48, helper, habang arestado naman ang suspek na si Rowell Balondo, alyas Balot, 29, kapwa residente ng Tawid Sapa 1, Brgy. San Agustin, Novaliches.
File

MANILA, Philippines — Hindi akalain ng isang helper na ang pag-awat niya sa away ang magiging mitsa ng kanyang buhay matapos na mapagbalingan ng init ng ulo ng kanyang kaibigan at siyang pagsasaksakin sa Novaliches, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Isinugod pa sa Novaliches District Hospital ang biktimang si Sammy Amurao, 48, helper, habang arestado naman ang suspek na si Rowell Balondo, alyas Balot, 29, kapwa residente ng Tawid Sapa 1, Brgy. San Agustin, Novaliches.

Batay sa ulat ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nabatid na dakong alas-8:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa loob mismo ng kanilang tahanan.

Sa imbestigasyon, lumilitaw na ang biktima at suspek ay magkaibigan na naninirahan sa iisang bahay.

Bago umano ang krimen ay nagkayayaan ang magkaibigan na mag-inuman kasama si Mang Junior, na stepfather ng suspek na si Balondo.

Gayunman, sa kasagsagan ng kanilang pag-iinuman ay nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan ang mag-ama-amahan, kaya’t ipinasya ng biktima na awatin ang mga ito.

Minalas namang ang biktima ang mapagbalingan ng init ng ulo ng suspek, na nauwi sa suntukan, hanggang sa kumuha ng isang break knife na may habang siyam na pulgada ang suspek, at pinagsasaksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima.

Ilang concerned citizen ang nakahingi ng tulong sa mga pulis na nagpapatrulya sa lugar, na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek, at pagkakakuha mula sa kanya ng patalim na ginamit sa krimen habang isinugod pa sa pagamutan ang biktima, ngunit binawian din ito ng buhay habang nilalapatan ng lunas.

vuukle comment

KRIMEN

PATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with