PNP umalerto sa CPP anniversary
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 10, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inalerto na kahapon ni Philippine National Police (PNP) Officer-in-Charge Lt. Gen. Archie Gamboa ang lahat ng units ng pulisya sa buong bansa kaugnay ng nalalapit na paggunita sa ika-51 taong pagkakatatag ng Communist Party of the Philippines (CPP) sa darating na Disyembre 26.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac ang lahat ng mga commanders ng pulisya sa mga field units nito ay inalerto upang maging vigilante at maging handa sa lahat ng oras.

Sinabi ng opisyal na karaniwan na naglulunsad ng madudugong pag-atake ang mga rebeldeng NPA, sa tuwing magdaraos ang mga ito ng anibersaryo.

“Well, traditionally, over the past decades and years, ang Communist Party of the Philippines and the New People’s Army ay naglulunsad ng mga bagong pag-atake laban sa pwersa ng pamahalaan sa tuwing sumasapit ang kanilang founding anniversary”, ani Banac sa mediamen.

Ayon kay Banac ang nasabing petsa lalo na bago at matapos ang anibersaryo ng CPP ay masusing binabantayan ng PNP.

Nang matanong naman kung irerekomenda ng PNP ang holiday truce kay Pangulong Rodrigo Duterte ay sinabi ng opisyal na kasalukuyan pa itong tinatalakay ng mga matataas na opisyal ng PNP.

Magugunita na una nang inalerto ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Brig. Gen. Debold Sinas sa posibleng karahasan ng NPA sa Metro Manila kaugnay ng pagdaraos ng anibersaryo ng komunistang kilusan.

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES PNP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with