^

Bansa

3 kabataan sugatan sa pananaksak ng senglot

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tatlong kabataan, na kinabibilangan ng dalawang estud­yante, ang pinagsasaksak ng isang lasing na una nilang nakaaway sa dinaluhang birthday party sa San Juan City kahapon ng madaling araw.

Ginagamot ngayon sa San Juan City Medical Center dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina John Pharton Gonzales, 19; at John Lacsamana, 18, kapwa estudyante at Anthony Montoya, 22, habang arestado naman sa follow-up operation ang suspek na si Victorie Velasco, 30, residente ng, Brgy. Ermitanio.

Batay sa ulat ng San Juan City Police, nabatid na dakong alas-3:00 ng madaling araw nang maganap ang krimen sa Grey Street, sa Brgy. Ermitanio.

Nauna rito, dumalo umano ang mga biktima, at ilan pang kaibigan sa birthday party ng isang kabarkada sa lugar at nakipag-inuman sa suspek, at iba pang bisita, na dinatnan na nilang lasing.

Sa hindi pa batid na kadahilanan, nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan ng suspek at ng mga biktima hanggang sa umalis na ang suspek.

Lingid sa kanilang kaalaman ay inabangan pala sila ng suspek sa isang madilim na bahagi ng lugar at nang pauwi na sila mula sa pakikipag-inuman ay sinugod sila nito at pinag-uundayan ng saksak bago mabilis na tumakas.

Kaagad namang naisugod sa pagamutan ang mga biktima upang malunasan habang naaresto rin sa follow-up operation ng mga awtoridad ang suspek, at kasalukuyan nang nakapiit sa ngayon para masampahan ng kaukulang kaso sa piskalya.

vuukle comment

SAKSAK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with