^

Bansa

Pacquiao, ga-graduate na sa kolehiyo

Pilipino Star Ngayon

Planong mag-Harvard

MANILA, Philippines — Nakatakdang magtapos sa kolehiyo sa Dis­yembre 11 si Sen. Manny Pacquiao.

Ayon sa senador, nag-enroll siya sa kolehiyo noong 2008.

Kung kukuwentahin, inabot ng 11 taon ang senador sa kolehiyo na magtatapos sa kursong Political Science.

Ibinida ng senador na nagpatuloy siya sa kanyang pag-aaral sa abot ng kanyang makakaya para sa serbisyo sa taumbayan.

Anya, hindi dapat humihinto ang mga mamamayan sa pagtuklas ng mga kaalaman kaya dapat mag-aral.

Sinabi rin ni Pacquiao na plano niyang mag-masteral sa Harvard University.

Noong nakaraang Setyembre, ipinagmalaki ng senador sa kanyang Instagram ang kanyang school ID sa University of Makati.

Sinabi pa ni Pacquiao na ipapaubaya niya sa Panginoon kung tatakbo siya sa mas mataas na posisyon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with