Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay upang punan ang kakulangan sa suplay ng naturang isda na lumiit ang bilang nitong mga nagdaang araw dahil sa epekto ng klima, bagyong Tisoy at ang umiiral na fishing ban sa galunggong.
The STAR/File
Pinas mag-aangkat na ng galunggong sa China, Vietnam
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Aangkatin na ngayon ng Pilipinas ang isdang  galunggong mula sa China at Vietnam 

Ito ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ay upang punan ang kakulangan sa suplay ng naturang isda na lumiit ang bilang nitong mga nagdaang araw dahil sa epekto ng klima, bagyong Tisoy at ang umiiral na fishing ban sa galunggong.

Sa ngayon tumaas ng hanggang P300 ang halaga ng bawat kilo ng galunggong dahil sa bumabang suplay nito sa mga pamilihan.

Binigyang diin ni BFAR Director Eduardo Gongona na tanging ang pag-aangkat ng galunggong ang paraan upang punan ang malaking kakulangan ng suplay ng naturang isda sa kasalukuyan.

Umaabot sa 45,000 metriko toneladang galunggong ang aangkatin ng Pilipinas mula sa China at Vietnam.

Ang importasyon ng galunggong ay ipatutupad sa kabila ng pagtutol ng grupo ng mga mangingisda na Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (Pamalakaya).

Ayon kay Gongona, ang papasok na isdang galunggong ay susuriing mabuti para maging abot kaya ang presyo nito sa mga mamimili.

BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES GALUNGGONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with