Higit 500 deactivated overseas voters hinikayat magparehistro
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ng Department of Foreign Affairs-Overseas Voting Secretariat (DFA-OVS) ang nasa 578,185 overseas voters na muling magpa-rehistro matapos silang i-deactivate ng Commission on Elections.

Ipinaalam ng Comelec sa DFA-OVS ang pag-deactivate sa registration ng overseas voters dahil hindi sila bumoto sa 2016 at 2019 National at Local Elections.

Dapat muling magparehistro ang mga ito kung nais nilang bumoto sa 2022 Presidential Elections.

Pinayuhan din ng DFA-OVS ang mga OFWs, immigrants, seafarers at mga estudyante na paalis ng Pilipinas at hindi pa kabilang sa mga overseas voters na magparehistro sa pagitan ng Disyembre 16 hanggang Setyembre 2021 upang makasali sa eleksiyon sa 2022.

Ang mga ito ay maaaring magparehistro sa anumang embahada ng Pilipinas, Consulate Ge­neral, Mission, o Manila Economic and Cultural Office (MECO), at Overseas Voter Registration Centers na itinalaga ng Comelec.

Ang lahat naman ng mga Filipino citizens na lalabas ng bansa mula Abril 9 hanggang Mayo 9, 2022 sa panahon ng overseas voting period para sa 2022 Presidential Elections, na nasa 18 taong gulang at hindi diskuwalipikado ng batas ay maaari ring magparehistro.

COMELEC DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS-OVERSEAS DFA-OVS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with