^

Bansa

Duterte inalok na maging PNP chief ang police regional director ng Bicol

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Duterte inalok na maging PNP chief ang police regional director ng Bicol
Alcañeses

Legazpi City, Albay, Philippines — Inalok ni Pangulong Duterte na maging hepe ng Philippine National Police si Brig. Gen.Anthony Sanga Alcañeses, kasalukuyang regional director ng Police Regional Office 5 sa ginawang briefing ng National Disaster Risk Reduction Management Council-Office of Civil Defense sa naging danyos ng bagyong “Tisoy” sa Legazpi City Convention Center kamakalawa ng gabi.

Sa briefing, tinanong ng Pangulo kung sino ang regional director ng pulis sa Bicol at nang tumayo si Alcañeses ay sinabihan siya ni Duterte na humanga ito sa ginawang typhoon operation at mitigation ng mga pulis sa rehiyon at sa inilatag na police security sa kanyang pagbisita kaya sinabi nito na “...”I want you to be the next chief PNP.. kapag he­neral ka na ay pumunta ka sa akin at gawin kitang hepe”..na agad namang sinagot  ni Alcañeses na ..”heneral na ako, sir”.

Inamin ni Pangulong Duterte na hanggang ngayon ay wala pa siyang napupusuang susunod na hepe ng pambansang pulisya kaya gusto niya ang gaya ni Alcañeses.

Agad na binati si Alcañeses ng mga kasamahang opisyal ng san­data­hang lakas sa presidential table habang ginagawa ang briefing.

Isang opisyal ng Presidential Security Group ang lumapit sa regional director at in-interview ito hinggil sa kanyang folders.

Si Alcañeses na taga-bayan ng Sariaya, Quezon ay kabilang sa Class Maringal batch 1988 ng Philippine Military Aca­demy.

vuukle comment

ANTHONY SANGA ALCAñESES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with