"Sa mga miyembro ng PNP na naging bahagi ng [extrajudicial killings], magdesisyon na kayo kung babagsak kayo kasama ni Duterte... o kung lilinisin niyo ang inyong krimen sa pagiging testigo para sa mga ICC  prosecutors," ani Antonio Trillanes IV sa Inggles.
The STAR/Michael Varcas, File
Trillanes sa PNP: Tumestigo vs EJK ni Duterte sa ICC
James Relativo (Philstar.com) - December 6, 2019 - 3:21pm

MANILA, Philippines — May bagong hamon ang isang dating sundalo't senador sa mga kawani ng Philippine National Police na sangkot sa madugong gera kontra droga — ang tumestigo laban kay Pangulong Rodrigo Duterte sa harap ng International Criminal Court.

"Sa mga miyembro ng PNP na naging bahagi ng [extrajudicial killings], magdesisyon na kayo kung babagsak kayo kasama ni Duterte... o kung lilinisin niyo ang inyong krimen sa pagiging testigo para sa mga ICC  prosecutors," ani Antonio Trillanes IV sa Inggles.

"Parating na ang katarungan."

Disyembre 2018 nang sabihin ng Commission on Human Rights na maaaring umabot na sa 27,000 ang napapatay sa war on drugs.

Kamakailan lang nang sabihin ni ICC Prosecutor Fatou Bensouda na matatapos nila ang preliminary examination sa mga diumano'y "crimes against humanity" ni Duterte sa 2020.

"Sa 2020, layon ng Opisina na maisapinal na ang preliminary examination para makaabot sa desisyon kung magbubukas na ng imbestigasyon sa sitwasyon ng Pilipinas," ani Bensouda.

Pebredo 2018 nang ianunsyo ni Bensouda na magbubukas sila ng eksaminasyon sa mga diumano'y EJK, na dumulo sa pag-atras ng Pilipinas sa Rome Statute, ang tratadong nagtayo sa ICC.

Iba ang prelimary examination sa preliminary investigation sa mga criminal procceedings. Oras na mapatunayan ng ICC prosecutor na may sapat na batayan para tumuloy sa isang imbestigasyon, magsusumite siya sa Pre-Trial Chamber ng request para magkaroon ng kapangyarihang mag-imbestiga.

Dati nang sinabi ni Duterte na ipaaaresto niya si Bensouda kung itutuloy niya ang pagsilip sa mga alegasyon.

Nitong Marso, sinabi ng Palasyo na pipigilan nila ang pagpasok ng mga kinatawan ng ICC sa Pilipinas na titingin sa sitwasyon ng bansa.

'Hindi kayo maproprotektahan ni Digong'

Ayon pa kay Trillanes, dapat ay makipagtulungan na lang ang mga pulis na sangkot sa kaliwa't kanang patayan: "[P]agbaba ni Duterte sa pwesto sa loob ng dalawang taon, hindi niya kayo maproprotektahan. Sa totoo lang, hindi niya maproprotektahan ang sarili niya."

Tinutukoy ng kritiko ng pangulo ang "immunity from suit" ni Duterte, isang prinsipyong nagsasabing makakasuhan lang ang presidente oras na lisanin niya ang katungkulan.

ANTONIO TRILLANES IV PHILIPPINE NATIONAL POLICE RODRIGO DUTERTE WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with