^

Bansa

Inflation rate tumaas sa 1.3% ngayong Nobyembre; 5-buwang paghupa napawi

James Relativo - Philstar.com
Inflation rate tumaas sa 1.3% ngayong Nobyembre; 5-buwang paghupa napawi
Umangat ang inflation rate sa 1.3% nitong Nobyembre kumpara sa naitalang 0.8% noong Oktubre.
The STAR/Michael Varcas, File

MANILA, Philippines — Matapos ang sunud-sunod na pagbaba nito sa nakaraang limang buwan, muling tumaas ang tantos ng pagtaas ng presyo ng bilihin sa nakalipas na buwan, paglalahad ng Philippine Statistics Authority, Huwebes.

Umangat ito sa 1.3% nitong Nobyembre kumpara sa naitalang 0.8% noong Oktubre.

Sa kabila ng pagkambyo ng mga presyo, pasok pa rin sa taunang target ng gobyerno na 2-4% ang inflation kung i-aaverage mula Enero hanggang Nobyembre (year-to-date inflation).

Isa sa mga mayor na nagpamahal sa mga bilihin noong nagdaang buwan ang mas matataas na presyong idinulot ng "sin" products, na pinapatawan ng karagdagang mga buwis ng gobyerno.

"Ang papapaakyat na inflation noong Nobyembre 2019 ay pinakanagmula sa higher annual increase sa mga nakalalasing na inumin at tabako," wika ng ahensya sa Inggles.

Maliban diyan, nakaambag din sa pagbilis ng inflation ang higher annual rate sa pabahay, tubig, kuryente, gas at iba pang mga panggatong.

Ayon naman kay Benjamin Diokno, governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hindi na sila nagulat sa panibagong mga numero.

"Umaayon pa rin ang November inflation na 1.3% sa dati nang inaasahan na bahagya itong aangat sa kalagitnaan ng 2020-21," sabi niya sa isang tweet.

"Isasang-alang-alang ng Monetary Board ng BSP ang bagong datos at potensyal na mga panganib sa pulong nito sa darating na linggo, ika-12 ng Disyembre, 2019."

vuukle comment

PHILIPPINE INFLATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with