Pag-sorry ni Duterte at Cayetano hinangaan
Nag-sorry din si Cayetano, pinuno ng PHISGOC na siyang organizer ng SEAG, at nangakong aayusin at sosolusyunan ang mga naturang aberya.
Presidential Photo/King Rodriguez/File
Pag-sorry ni Duterte at Cayetano hinangaan
(Pilipino Star Ngayon) - December 4, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinangaan at itinuring na kababaang loob ng Olympic Council of Asia o OCA ang paghingi ng paumanhin ni Pangulong Duterte at Speaker Alan Cayetano tungkol sa ilang ‘aberya’ bago pormal na magsimula ang 30th SEA Games sa bansa.

Sinabi ni Wei Jizhong, bise presidente ng OCA na ngayon lang nangyari sa kasaysayan ng sports na humingi ng sorry ang Pangulo ng bansa at organizer ng palaro na isang Speaker of the House sa kabila ng katotohanang normal ang pagkakaroon ng kaunting problema sa lahat ng mga sports events na idinaraos maging sa ibang panig ng mundo.

Saad pa ni Wei, na naging pangatlong presidente ng FIVB, na ito ang unang pagkakataon na makakita siya ng isang leader ng bansa na humingi ng paumanhin sa tao sa mga aberya na naranasan ng mga delegadong atleta mula sa ibang bansa.

Nauna nang humingi ng paumanhin si Duterte dahil sa ilang aberya sa transportasyon at pagkain sa paghahanda ng bansa para sa 30th SEA Games. Sinabi ni Duterte na hindi hahayaan ng kanyang gobyerno na pabayaan ang kapakanan ng mga atleta.

Nag-sorry din si Cayetano, pinuno ng PHISGOC na siyang organizer ng SEAG, at nangakong aayusin at sosolusyunan ang mga naturang aberya.

Kaugnay nito, sinabi ni Jizhong na ang ginawang pagpapakumbaba ng dalawang mataas na lider ng bansa na aminin ang pagkukulang ay patunay lamang na handa na ang Pilipinas na mag-host ng mas mala­king international sports event katulad ng Asian games na magaganap pagkatapos ng 10 taon.

Kaya naman hinikayat ni Jizhong ang Pilipinas na mag-bid para sa Asian Olympics na gaganapin sa 2030 lalo pa at napahanga ang opisyal sa olympic quality ng bagong gawang stadium at aquatic center sa New Clark City sa Tarlac.

Idinagdag pa ni Jizhong na ang mga nangyaring gusot sa SEAG ay nangyayari din maging sa Asian games.

BONG GO SEA GAMES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with