Lola kinatay ng apo sa harap ng kaanak
Raymund Catindig, Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - December 3, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 85-anyos na lola nang brutal na ataduhin ng saksak ng kanyang mismong apo sa harap ng ibang kaanak habang salu-salong nananghalian noong Linggo sa Brgy. Centro Sur, Gattaran, Cagayan.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ngunit idineklarang dead-on-arrival dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Paz Cagauan, isang matandang dalaga at retiradong guro.

Arestado naman ang suspek na si Jay dela Cruz, 45-anyos.

Sa report, dakong alas-11:00 ng tanghali habang sama-samang nananghalian ang magkakaanak nang magkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng matanda at suspek hinggil sa usapin sa pag-aaring lupain.

Dito ay agad na kumuha ng patalim ang suspek kasabay na nagpulasan ang mga kaanak sa hapag kainan sa takot na mapagbuntunan ng ngitngit ni Dela Cruz habang paulit-ulit nitong tinadtad ng saksak ang matanda hanggang sa bumulagtang naliligo sa sariling dugo.

Naaresto naman agad ng mga pulis ang suspek habang patuloy ang imbestigasyon.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with