Palayan City Farmers tutulungang magnegosyo
Dinaluhan ng 1,500 na magsasaka ang 5th Farmers Congress sa Palayan City, Nueva Ecija at nangako si Mayor Rianne Cuevas na ibibigay niya ang 20 percent ng Development Fund ng lungsod para makatulong sa alternatibong pagkakakitaan ng mga magsasaka, tulad ng pagnenegosyo habang bagsak pa ang presyo ng palay sa merkado.
Palayan City Farmers tutulungang magnegosyo
(Pilipino Star Ngayon) - December 2, 2019 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Habang wala pang kinikita sa pagsasaka dahil bagsak ang presyo ng palay dulot ng patuloy na pagpasok ng mga murang imported rice, tutulungan ng lokal na pamahalaan ng Palayan City, Nueva Ecija ang mga magsasaka nito na maghanap ng iba pang pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagnenegosyo.

Ayon kay Palayan City Mayor Rianne Cuevas, kailangang ihanap ang mga magsasaka ng alternatibong pagkakakitaan upang hindi tuluyang malugmok sa pagkakautang.

“Gagawin namin ang lahat na matulungan sila dahil kung tutuusin sila po ang nagpapakain sa ating sa pamamagitan ng kanilang mga tanim kung kaya’t marapat lamang na alalayan sila ngayon sa oras ng kanilang kagipitan,” sabi ni Mayor Rianne Cuevas.

Bunsod nito ay isinagawa kamakailan lang, ang 5th Farmers Congress na dinaluhan ni Mayor Cuevas at nangakong ibibigay ang 20 porsyento ng development fund ng Palayan City sa asosasyon ng mga magsasaka para ibili ng mga rice processing machines bilang panimula sa kanilang mga munting negosyo.

 Hindi napigilan ni Mayor Cuevas na mapaluha nang marinig ang hinaing ng mga magsasaka na may mga anak na tumigil sa pag-aaral at ang karamihan ay hirap na maitawid ang pang-araw araw na pangangailangan dahil walang kinikita bunsod ng pagpasok ng mga murang imported rice mula sa ibang bansa dahil sa umiiral na Rice Tariffication Law.

Matatandaan na umaray ang mga magsasaka matapos bu­magsak ang presyo sa P8 kada kilo ng palay mula sa dating presyo na P17 per kilo.

Nangako ang lady mayor na tutulungan niya ang mga magsasaka na maibsan ang kanilang paghihirap sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng binhi at dagdag na pagsasanay para sa iba pang uri ng pagkakakitaan habang bagsak ang presyo ng palay sa merkado.

MAYOR RIANNE CUEVAS NUEVA ECIJA PALAYAN CITY FARMERS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with