^
Duterte umaming mahina na ang katawan
Sa eksklusibong panayam ng CNN Philippines sa Pangulo, sinabi nito na huwag na siyang tanungin kung nasa mabuti ang kanyang kalusugan.
Presidential Photo/Richard Madelo

Duterte umaming mahina na ang katawan

Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dahil sa kanyang edad, aminado si Pangulong Rodrigo Duterte hindi na kalakasan ang kanyang katawan pero kaya pa niyang gampanan ang trabaho bilang Pangulo ng bansa.

Sa eksklusibong panayam ng CNN Philippines sa Pangulo, sinabi nito na huwag na siyang tanungin kung nasa mabuti ang kanyang kalusugan.

“Seventy four years old, ‘wag mo akong tanungin if I am at the best, at the peak of my health, I am not,” pag-amin ng Pangulo.

Pero kung pag-uusapan aniya ang pagtupad sa kanyang trabaho ay kaya pa niya ito.

“For purposes of performing my functions as President, I’m alright,” sabi ni Duterte.

Ipinagmalaki pa ng Pangulo na kaya pa niyang sumakay sa kanyang motorsiklo.

Matatandaan na inamin kamakailan ni Duterte na mayroon siyang myasthenia gravis na isang uri ng neuromuscular disease. Pinahihina umano ng nasabing sakit ang mga muscles na nagko-kontrol sa paggalaw ng mata at pilik mata.

Inamin din ng Pangulo noong Nobyembre 17 na marami na siyang nararamdamang sakit dahil sa kanyang edad.

“All of the ailments, I have them because I am already old.... Life has begun to take its toll on my health,” sinabi noon ni Duterte.

CNN PHILIPPINES RODRIGO DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with