LPG may taas presyo
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 1, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nakatakdang magtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis at iba pang distributor ng liquefied petroleum gas (LPG) ngayong Disyembre 1.
Pinangunahan kahapon ng Petron Corporation ang dagdag-presyo ng P0.25 kada kilo ng kanilang Gasul at Fiesta Gas.

Katumbas ito ng P2.75 dagdag presyo sa bawat 11 kg. na tangke nito na epektibo kaninang 12:01 ng hatinggabi ngayong Linggo.


Bukod dito, nagtaas rin ang Petron sa presyo ng Auto-LPG ng P0.15 kada litro na karamihan ay ginagamit ng mga taxi.
Aasahan naman ang pagsunod ng iba pang kumpanya langis tulad Shell na may Solane ng kaparehong dagdag-presyo sa LPG at Auto-LPG kahit hindi pa naglalabas ng abiso ang mga ito.


Ang bagong dagdag-presyo ay bunsod ng pagtaas ng contract price ng LPG sa pandaigdigang pamilihan.

LANGIS LPG PETRON PRESYO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with