^

Bansa

2 swimming instructors sinibak ng PMA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

Sa pagkalunod ng kadete 

MANILA, Philippines — Sinibak ng Philippine Military Academy (PMA) ang dalawang swimming instructors dahil sa pagkalunod ni Cadet 4th Class Mario Telan Jr. nitong Nobyembre 8.

Ayon kay PMA Spokesperson Captain Cherryl Tindog, base sa resulta ng  imbestigasyon ay nakitaan na nagpabaya sina Robert Bete at Antonio Catalan sa swimming session na naging dahilan ng pagkamatay ni Telan. 

Sina Bete at Catalan ay inirekomenda nang madismis sa serbisyo at ipinakakansela ang eligibility, retirement benefits, bawal na ring humawak ng anumang public office at kumuha ng civil service examinations.

Samantala, tinitingnan na rin ang parusa para sa dalawang 4th Class Cadet marchers na responsable sa pag-account ng kanilang mga kaklase bago at pagkatapos ng swimming class.

Si Telan ay nadiskubreng nalunod sa 15 talampakang lalim ng swimming pool ng PMA habang sumasailalim sa “Fundamentals of Swimming Course”.

Sa ngayon, ay nana­natiling suspendido ang swimming classes ng mga kadete sa lahat ng antas hangga’t hindi pa nailalatag ang kaukulang safety measures.?

Pinag-aaralan na rin ngayon ng PMA na magtalaga ng team mula sa Philippine Navy Special Operations Group para maging bahagi ng water-borne training activities ng mga kadete.

vuukle comment

SWIMMING INSTRUCTORS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with