"Ano bang dapat gawin kapag tingin ng tao'y hindi siya gusto? Kung 'di ka kumportable sa posisyon o 'di kaya ang 'init sa kusina,' mas mabuting umalis ka na lang," sabi ng spokesperson, Biyernes.
Released/OVP
Panelo kay Robredo: Magbitiw kung 'di kaya maging anti-drug czar
(Philstar.com) - November 22, 2019 - 6:36pm

MANILA, Philippines — Iminungkahi ni presidential spokesperson Salvador Panelo kay Bise Presidente Leni Robredo na lisanin na lang ang pagiging co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kung hindi siya kumportable sa trabaho.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang tiwala sa bise presidente, na tumanggap sa alok ni Duterte na pangunahan ang ICAD.

Dahil dito, sinabi ng ikalawang pangulo na diretsahin na lang siya ng presidente kung pinaaalis na siya sa kampanya kontra iligal na droga ng gobyerno.

"Dapat sabihan na niya [Duterte] lang ako. Kung ayaw niya ako rito, sa una't una, bakit niya ako itinalaga?" sabi ni Robredo ngayong linggo sa Inggles.

Ang nasabing tugon ni VP, tinawag namang "pambabastos" at "unethical" ni Panelo.

"Ano bang dapat gawin kapag tingin ng tao'y hindi siya gusto? Kung 'di ka kumportable sa posisyon o 'di kaya ang 'init sa kusina,' mas mabuting umalis ka na lang," sabi ng spokesperson, Biyernes.

Sabi pa niya, sana'y humingi si VP Leni ng pulong kay Duterte para iklaro ang saklaw ng kanyang posisyon sa ICAD matapos tanggapin ang posisyon.

Pero sa halip, nakipagkita si Robredo sa iba't bang ahensya ng gobyerno, at nakipag-ugnayan sa Estados Unidos at United Nations pagdating sa anti-narcotics campaign.

Sa kabila nito, una naman nang sinabi ni Robredo na sumulat na siya sa presidente para malinaw ang kanyang mga tungkulin.

Dagdag pa niya, sinabi naman daw ni Duterte na siya mismo ang magdedesisyon pagdating sa kanyang mandato.

"Hindi pa huli ang lahat. Hindi naman sinabi ni presidente na sisisantehin siya. Idi-dismiss lang siya oras na gumawa siya ng bagay na maglalagay sa mga mamamayan natin sa peligro," saad pa ni Panelo.

Sinabi rin ni Panelo, na tumatayo rin bilang presidential legal counsel, na nagbago ang utak ni Duterte pagdating sa pagtatalaga kay Robredo sa Gabinete dahil sa kanyang mga "palya."

Humingi kasi si Robredo ng listahan ng "high value targets" ng war on drugs, ngunit tinanggihan ng Philippine Drug Enforcement Agency, kahit na sinabi na niyang hindi niya ito isasapubliko.

Gayunpaman, tiniyak naman ng bise na ipagpapatuloy niya lang ang trabaho niya bilang anti-drug czar sa kabila ng mga patutsada sa kanya ng pangulo. — James Relativo at may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

ANTI-DRUG CZAR ICAD LENI ROBREDO RODRIGO DUTERTE SALVADOR PANELO WAR ON DRUGS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with