Kinumpirma ng PAL na flight PR113 ang nakaranas ng technical problem sa makina nito matapos lumipad mula sa LAX.
The STAR/Rudy Santos, File
Eroplano ng PAL nagliyab sa ere, napilitang mag-emergency landing
(Philstar.com) - November 22, 2019 - 10:31am

MANILA, Philippines — Napilitang lumapag ang isang flight ng Philippine Airlines na papunta sana nang Maynila matapos makaranas ng technical problem sa ere.

Ipinaskil ng isang Facebook user ang pagbuga ng apoy ng eroplano, at tinawag ang insidente bilang "pinakanakakatakot na limang oras ng aming buhay."

Kinuha ito ng isa pang pasahero na nakaupo malapit sa pakpak ng plane.

 

 

Isa pang netizen ang mag-post ng video ng eroplano matapos magpasahimpapawid mula sa paliparan.

"Nagbubuga ba dapat ng apoy ang eroplano?" tanong ng Twitter user na si @andrewblakeames sa Inggles.

Kinumpirma ng PAL na flight PR113 ang nakaranas ng technical problem sa makina nito matapos lumipad mula sa LAX.

Siniguro naman ng aircraft carrier na ligtas ang 342 pasahero at 18 crew ng eroplano matapos mag-emergency landing.

"Minabuti ni Captain Tristan Simeon at ng flight crew na bumalik sa airport at magsagawa ng precautionary emergency landing," wika ng PAL sa isang pahayag.

Boeing 777 aircraft ang nabanggit na eroplano na may registry number RP-C7775, sabi ng PAL. — James Relativo at may mga ulat mula kay Patricia Lourdes Viray

EMERGENCY LANDING FIRE PHILIPPINE AIRLINES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with