Ipinaliwanag ni Gamboa na kung walang bagong EO laban sa paggamit ng vape at electronic cigarettes ay maaaring manghuli ang mga pulis pero hindi mapaparusahan ang mga ito.
KJ Rosales/File
Warning, ‘di kulong sa vape users – PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Bibigyan lang ng warning at hindi muna ikukulong ang mga mahuhuling gumagamit ng vape.

Ito ang nilinaw kahapon ni PNP Officer-in-Charge P/Lt. Colonel Archie Gamboa na sinabing hangga’t walang iniisyung Exe­cutive Order si Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi muna ikukulong ang mga pasaway na vape users.

Sa kasalukuyan, ayon kay Gamboa ay tanging ang Executive Order No. 26 na nagbabawal sa pagsisigarilyo sa mga pampublikong lugar ang kanilang ta­nging pinanghahawakan.

Ipinaliwanag ni Gamboa na kung walang bagong EO laban sa paggamit ng vape at electronic cigarettes  ay maaaring manghuli ang mga pulis pero hindi mapaparusahan ang mga ito.

“That’s why ang sabi ko sa kanila (police ope­ratives) arrest, put them on the blotter, and then release them,” pahayag ni Gamboa.

Una nang sinabi ni Pangulong Duterte na ipapa-ban niya ang importasyon ng mga vape at electronic cigarettes dahil peligroso ito sa kalusugan at inatasan ang PNP na arestuhin ang mahuhuling nagbi-vaping sa mga pampublikong lugar.

“If you include vape in that EO, it’s actually an expansion of the definition of smoking, kaya sabi pwede i-implement agad because it’s an expansion of the definition of smoking,” ani Gamboa.

Naniniwala naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi maaaring ipagbawal ang vape kung walang batas tungkol dito.

Dapat aniya ay may batas na nagdedeklarang ilegal ang vaping upang mapagbawalan ang mga mamamayan sa paggamit ng vape.

Bunsod nito, inihain na ni Sen. Francis Tolentino sa Senado ang Senate Bill 1183 na nagbabawal sa paggamit, pagbebenta, paggawa, distribusyon, trade, importasyon at marketing ng lahat ng uri ng mga electronic cigarettes kabilang ang kontrobersiyal na vape.

Sinabi ni Tolentino na bagaman at sinasabing “healthier” na alternatibo sa sigarilyo ang mga electronic cigarettes o vape at Juul, may mga pag-aaral na nakakasama ito sa kalusugan at posibleng mas mapanganib pa kaysa sa regular na sigarilyo.

Ipinunto rin ni Tolentino na mas magi­ging delikado ang nasabing produkto dahil nahihikayat ang mga kabataan na subukan ito dahil sa iba’t ibang flavors at bango. (Dagdag ulat ni Malou Escudero)

 

VAPE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with