Sinisipat ni Pangulong Duterte ang isa sa mga armas na tampok sa exhibit nang dumalo sa 80th anniversary ng Department of National Defense sa Camp Aguinaldo, Quezon City.
E-cigarette i-regulate, ‘wag i-ban
(Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2019 - 12:00am

Apela ng 200K vapers kay Duterte

MANILA, Philippines – Nanawagan ang mahigit 200,000 vapers sa bansa kay Pangulong Duterte na i-regulate o magtakda ng panuntunan hinggil sa paggamit ng e-cigarette kaysa ipagbawal ito.

Inamin din ng Philippine E-cigarette Industry Association (PECIA), Coalition of Asia Pacific Tobacco Harm Reduction Advocates (CAPHRA), The Vapers Alliance at ng Nicotine Consumer of the Philippines (NCOP) na dismayado sila sa kautusan ni PNP-OIC Lt. Gen. Archie Gamboa na arestuhin ang mahuhu­ling lalabag sa e-cigarette ban sa pampublikong lugar.

Paniwala ng CAPHRA na posibleng hindi naipaliwanag mabuti sa Pangulo na 95 percent na ligtas ang paggamit ng e-cigarette kumpara sa paghitit ng sigarilyo o tabako.

Ayon kay Clarisse Virgino, kinatawan ng CAPHRA sa Pilipinas na sa pag-aaral, milyun-milyong smokers ang natulungan para tumigil sa paninigarilyo sa buong mundo subalit dahil sa vaping ban ay malamang na bumalik sa paninigarilyo ng tobacco ang mga gumagamit ng e-cigarette.

Nanindigan naman ang PECIA na ang e-ciga­rettes ay para sa adult smokers at hindi para sa mga menor habang noong 2013 pa nila isinusulong ang regulasyon para rito.

Batay sa World Health Organization, ang paninigarilyo ay mahigit 7,000 peligroso at nagtataglay ng “harmful and potentially harmful chemicals” (HPHC) habang ang aerosol emissions na mula sa vaping products ay naiulat na mas ligtas at kaunti ang HPHCs. 

Sa pag-aaral naman ng University College London (UCL) sa United Kingdom, ang pagamit ng e-cigarettes ay nakatulong sa 50,000 at 70,000 smokers sa England na tumigil na sa paninigarilyo.

DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with