Samantala, tanging Batanes na lang ang nakasailalim sa tropical cyclone wind signal no. 1 sa ngayon.
Released/PAGASA
Severe Tropical Storm Sarah lalabas ng PAR sa Sabado
(Philstar.com) - November 21, 2019 - 12:37pm

MANILA, Philippines — Bahagyang lumakas pa ang bagyong "Sarah" habang patuloy na kumikilos pakanluran hilagangkanluran sa Philippine Sea.

Namataan ang mata ng bagyo 275 kilometro silangan ng Basco, Batanes, alas-diyes ng umaga.

May taglay itong lakas na aabot ng hanggang 100 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugsong papalo ng hanggang 125 kilometro kada oras. 

Tanging Batanes na lang ang nakasailalim sa tropical cyclone wind signal no. 1 sa ngayon.

Dahil sa sama ng panahon, makatitikim ng mahihina hanggang katamtamang pag-ulan na may panaka-nakang malalakas na pagbuhos sa:

  • Isabela
  • Cagayan (lalo na sa silangang bahagi)
  • Aurora
  • hilagang Quezon

Tinanggal na rin ang signal no. 1 sa Babuyan Islands ngunit magpapatuloy pa rin ang pabugsu-bugsong kondison sa Hilagang Luzon, lalo na sa mga baybayin at mabubundok na lugar bunsod ng Hanging Amihan.

Peligroso pa rin ang paglalayag, lalo na sa mga maliliit sa sasakyang pandagat, sa mga seaboards kung saan nakataas ang TCWS, seaboards ng Hilaga at Gitnang Luzon, at kanlurang seaboard ng Timog Luzon dahil sa mga kondisyong dulot ng bagyong “Sarah" at Hanging Amihan.

Hihina pa lalo ang bagyong "Sarah" pagsapit bukas habang papalabas sa parehong araw.

Samantala, natagpuan naman ang low pressure area na dating Tropical Depression Ramon 225 kilometro kanluran timogkanluran ng Subic, Zambales. — James Relativo

PAGASA SARAH SEVERE TROPICAL STORM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with