^

Bansa

Rice importation tigil muna

Rudy Andal - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Pormal nang inutos ni Pangulong Duterte sa Department of Agriculture na pansamantalang suspindihin ang importasyon ng bigas ngayong panahon ng anihan ng mga magsasaka.

Ayon sa Pangulo, bagama’t nakakatulong ang rice importation upang hindi magkulang sa bigas ang mga consumers, ay labis naman itong nakasasama para sa mga magsasaka.

Pero nilinaw din ng Pangulo na hindi niya puwedeng ipatigil ang rice tariffication law dahil maaaring magresulta ito sa “food crisis”.

Aniya, ang utos niya kay DAR Sec. William Dar ay bilhin ng gobyerno ang ani ng mga magsasaka.

“Kung gusto talaga natin walang problema. Bilihin lahat ng produce ng farmers. Ngayon, mahal. Farmgate nila, babawi sila, hindi na bale. Gagastos tayo bilyon, bilhin natin. Tapos, wala, palugi tayo,” paliwanag ng Pangulo.

“Para yung mga far­mers, may resulta sa pawis nila. Sinong nalugi? Wala, tayong mga Pilipino. Bilhin natin lahat yan. Tapos dagdagan natin kasi kulang talaga,” dagdag ng Pangulo.

Aniya, mag-aangkat pa rin ng bigas bilang bufferstock dahil kulang ang rice supply ng local farmers para sa 110 milyong  Filipino.

“Sigurado gutom ang aabutin, mag-riot ang mga tao. Mamili ka, kung ikaw ang nasa pwesto ko: magutom ang tao o magalit ang mga far­mers?” giit pa ng Pa­ngulo.

vuukle comment

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with