^

Bansa

VP Leni sa pangulo: Diretsuhin ako kung ayaw sa’kin bilang drug czar

Pilipino Star Ngayon
VP Leni sa pangulo: Diretsuhin ako kung ayaw sa�kin bilang drug czar
“Dapat diretsuhin na lang ako. Diretso naman akong kausap... Kung ayaw na niya, kung nagkamali siya sa pag-appoint sa kin at gusto niyang bawiin, sabihin lang niya. Kasi ako, madali akong kausap,” sabi ni Robredo matapos makipagpulong sa Dangerous Drugs Board na policy-making body ng pamahalaan sa kampanya laban sa droga.

MANILA, Philippines — Sinabi kahapon ni Vice President Leni Rob­redo na dapat sabihan lang siya ni Pangulong Rodrigo Duterte na bitawan niya ang puwesto niya bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD) kung wala itong tiwala sa kanya.

“Dapat diretsuhin na lang ako. Diretso naman akong kausap... Kung ayaw na niya, kung nagkamali siya sa pag-appoint sa kin at gusto niyang bawiin, sabihin lang niya. Kasi ako, madali akong kausap,” sabi ni Robredo matapos makipagpulong sa Dangerous Drugs Board na policy-making body ng pamahalaan sa kampanya laban sa droga.

Sinabi ng Bise Presidente na palaisipan sa kanya kung bakit itinalaga siya ng Pangulo noong una.

“Hindi ko maintindihan,” bulalas ni Rob­redo na halos dalawang linggo pa lang nanunungkulan bilang co-chair sa ICAD.

Sinabi ni Robredo na dapat malinaw na ipaliwanag sa kanya ni Duterte ang saklaw ng kanyang trabaho.

“Kailangan siya yung magsabi ano ba yung mandatong binibigay sakin, ano ba yung li­mits,” dagdag niya.

Sa isang pulong-ba­litaan kamakalawa ng gabi, sinabi ni Duterte na wala siyang tiwala kay Robredo dahil nabibilang ito sa oposisyon at hindi niya ito kilala.

Masyado rin uma­nong madaldal ang bise presidente na dahilan para bawiin niya ang dapat na pagtatalaga nito sa Gabinete.

vuukle comment

LENI ROBREDO

RODRIGO ROA DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with