^

Bansa

ISIS sa Southeast Asia lumakas pa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
ISIS sa Southeast Asia lumakas pa
Ayon sa report ng Lead Inspector Ge­neral for the Operation Pacific Eagle-Philippines, ang US counter terrorism sa bansa, nasa 500 ang miyembro ng ISIS sa bansa kabilang dito ang mga lokal na terorista kung saan ang mga ito nagkakanlong sa rehiyon ng Mindanao.
File

MANILA, Philippines — Lumakas pa ang Islamic State sa Southeast Asia na nakabase sa bansa sa loob ng 3 buwan na nagpa-planong maghasik muli ng te­rorismo o pambobomba sa ilang piling lugar sa Western Mindanao.

Ayon sa report ng Lead Inspector Ge­neral for the Operation Pacific Eagle-Philippines, ang US counter terrorism sa bansa, nasa 500 ang miyembro ng ISIS sa bansa kabilang dito ang mga lokal na terorista kung saan ang mga ito nagkakanlong sa rehiyon ng Mindanao.

Base sa report ng US military, ang unit sa ASEAN ng international terrorist group ay small-scale suicide attacks ang kayang gawin tulad ng mga nangyaring suicide bombings sa Sulu sa rehiyon ng Mindanao nitong mga nagdaang buwan.

Ang tinutukoy sa report ay ang suicide attack noong Setyembre 8 ng taong ito kung saan umatake ang isang babaeng suicide bomber sa checkpoint sa Indanan, Sulu.

Magugunita na noong Setyembre 24 ng taong ito ay inianunsyo ng militar ang pagkakaaresto sa isang Swedish militant na may Turkish descent kasama ang dalawang babaeng Muslim militants na nagpaplano ng pambobomba sa Sultan Kudarat.

vuukle comment

ISIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with