^

Bansa

Robredo, Aquino nananawagang palayain si De Lima sa ika-1,000 araw ng detention

Philstar.com
Robredo, Aquino nananawagang palayain si De Lima sa ika-1,000 araw ng detention
"Kinukundena namin ang mali at indefinite na pagkakakulong ni Sen. Leila M. de Lima, na may mga kasong pinahahaba at ginagamitan ng kahina-hinalang testimonya ng inmates," sabi ng joint statement sa Inggles.
Mula sa Twitter account ni Sen. Francis Pangilinan

MANILA, Philippines — Nagkaisa ang daan-daang personahe sa pagkundena sa patuloy na pagkakakulong ni Sen. Leila de Lima, na 1,000 araw nang nakapiit ngayong Miyerkules.

Sa isang pahayag, pinangunahan nina Bise Presidente Leni Robredo at dating Pangulong Benigno Aquino III ang mahigit 300 leaders at organizations sa buong mundo para bawiin ang "politically-motivated charges" laban kay De Lima, na humaharap sa mga kaso sa diumano'y pagpapakalat ng droga sa New Bilibid Prison.

"Kinukundena namin ang mali at indefinite na pagkakakulong ni Sen. Leila M. de Lima, na may mga kasong pinahahaba at ginagamitan ng kahina-hinalang testimonya ng inmates," sabi ng joint statement sa Inggles.

"Dahil kahina-hinala ang mga kaso laban kay... De Lima at paglabag sa kanyang mga karapatan, hinihiling namin sa Gobyerno ng Pilipinas na agad na palayain [siya], at ibasura ang mga reklamo sa kanya."

Maliban kina Robredo at Aquino, kasama rin sa mga lumagda sa pahayag sina Senate Minority Leader Franklin M. Drilon, Sens. Risa Hontiveros and Francis Pangilinan, and former Sens. Paulo Benigno A. Aquino IV, Antonio Trillanes IV, Mar Roxas, Rene Saguisag at Sergio Osmeña.

Habang binabanggit ang findings ng United Nations Working Group on Arbitrary Detention, naninindigan din sila na ang kanyang pagkakakulong ay sanhi raw ng kanyang paglaban sa pang-aabuso sa karapatang habang tao.  

Binanatan din nila ang patuloy na pagbira sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte at kanyang mga kaalyado, na gumagamit daw ng "verbal assault, sexist tirade, false information" at "hate speech."

Kung agad daw na mapalalaya ang senadora, maaari raw mapatunyan ng gobyerno na "kayang makipagsabayan ng Pilipinas sa mundo sa pagtatanggol sa kalayaan at karapatang pantao."

Samantala, idinaan naman sa pagtakbo ng ilang tagasuporta ni De Lima ang kampanya, na kanilang tinawag na "#1KNotOK Indignation Run."

Pinangunahan naman ni Vicente “Vicboy” M. de Lima II, kanyang kapatid, ang takbo sa Camarines Sur.

Suporta ng international community

Hindi natapos sa mga kapwa Pilipino ang nasabing panawagan ngayong araw.

Sumama rin sa panawagan ang ilang international leaders at human rights defenders, gaya ng Hong Kong activist na si Joshua Wong, Ambassador ng Taiwan na si Maysing Yang at mga miyembro ng ASEAN Parliamentarians for Human Rights at Council of Asian Liberals and Democrats Women’s Caucus.

Ilan pa sa mga lumagda sa indignation statement ang ilang bahagi ng European Parliament, French Parliament, Parliamentary Group Free Democrats at North American leaders mula Liberal Party USA, Raoul Wallenberg Centre for Human Rights at Drug Policy Forum of Texas.

Sumama rin ang tatlong miyembro ng Parliamentarians for Global Action gaya nina Margaret Cederfelt ng Sweden, Victor Bisono ng Dominican Republic  at Petra Bayr ng Austria. — James Relativo

vuukle comment

BENIGNO AQUINO III

HUMAN RIGHTS

LEILA DE LIMA

LENI ROBREDO

RODRIGO DUTERTE

WAR ON DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with