^

Bansa

Bagyong 'Ramon' humina, tropical storm na lang pero 'Sarah' lalakas naman

James Relativo - Philstar.com
Bagyong 'Ramon' humina, tropical storm na lang pero 'Sarah' lalakas naman
Magiging low pressure area na lang ang bagyong "Ramon" sa loob ng 24 oras ngunit magiging tropical storm naman ang Tropical Depression Sarah sa loob ng 12 oras.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Patuloy na hihina ang bagyong "Ramon" sa mga susunod na araw habang nag-iipon naman ng lakas ang panibagong bagyo na "Sarah."

Mula sa pagiging typhoon, lalong humina ang pwersa ng bagyong "Ramon" at naging tropical storm na lang matapos mag-landfall sa Cagayan kaninang madaling araw.

Alas-siyete ng umaga, natagpuan ang mata ng Tropical Storm Ramon sa Tugegarao City, Cagayan na may taglay na hanging aabot ng hanggang 85 kilometro kada oras malapit sa gitna.

Meron naman itong bugso na papalo ng hanggang 140 kilometro kada oras at kumikilos patimogkanluran sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Tinatayang magiging low pressure area na lang ang bagyong "Ramon" sa loob ng 24 oras.

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 2 sa mga sumusunod na lugar:

  • Batanes
  • Cagayan (kasama ang Babuyan Islands)
  • Apayao
  • Kalinga
  • Abra
  • Ilocos Norte
  • Ilocos Sur 

Makatitikim naman ng Signal No. 1 ang mga sumusunod dahil sa bagyong "Ramon":

  • hilagang bahagi ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan,Sto. Tomas, Quezon, Tumauini, Divilacan, Quirino, Roxas, Mallig, San Manuel, Burgos, Gamu at Ilagan City)
  • Mountain Province
  • Benguet
  • Ifugao
  • La Union
  • Pangasinan

Dahil sa sama ng panahon, makararanas ng mahihina hanggang katamtaman na may paminsan-minsang malalakas na pag-ulan sa Batanes, Cagayan including Babuyan Islands, Apayao at hilagang bahagi ng Ilocos Norte.

Magkakaroon naman ng mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan sa Ilocos Sur, Abra, Kalinga, Mt. Province, Ifugao, Isabela at nalalabing bahagi ng Ilocos Norte.

Tinatayang magiging low pressure area na lang ang bagyong "Ramon" sa loob ng 24 oras.

'Sarah' magiging tropical storm

Bagama't tinatayang hihina ang bagyong "Ramon," patuloy naman ang paglakas ng bagyong "Sarah."

Kaninang alas-kwatro ng madaling araw, namataan ang mata ng Tropical Depression Sarah 510 kilometro silangan hilagangsilangan ng Virac, Catanduanes.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot ng hanggang 55 kilometro kada oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot ng hanggang 70 kilometro kada oras.

Kumikilos naman ito pahilagangkanluran sa bilis na 25 kilometro kada oras.

Nakataas naman sa Signal No. 1 dahil sa bagyong "Sarah" sa mga sumusunod na lugar:

  • silangang bahagi ng Cagayan (Aparri, Baggao, Alcala, Gattaran, Lal-lo, Tuguegarao City, Penablanca, Iguig, Amulung, Santa Teresita, Camalaniugan, Santa Ana, Gonzaga, Buguey, Ballesteros at Calayan)
  • hilagangsilangang bahagi ng Isabela (Divilacan, Tumauini, Cabagan, Maconacon at San Pablo)

Tinataya namang lalakas pa ito para maging tropical storm sa loob ng 12 oras.

vuukle comment

LOW PRESSURE AREA

PAGASA

RAMON

SARAH

TROPICAL DEPRESSION

TROPICAL STORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with