Sinabi ng Pangulo na magiging problema kung hindi igagalang ni Cayetano ang term-sharing agreement.
THe STAR Joven Cagande
Term-sharing sa Speakership reresolbahin ni Digong
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Siniguro ni Pangulong Duterte na reresolbahin niya sakaling magkaroon ng problema hinggil sa napagkasunduang term-sharing sa speakership sa pagitan nina House Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

Sinabi ng Pangulo na magiging problema kung hindi igagalang ni Cayetano ang term-sharing agreement.

“I was there when we agreed, three of us, and I announced it after. He does not want to honor it. That’s his problem,” sabi ng Pangulo.

“It is going to be a problem so we will solve the problem when we are there. Wala pa naman, it remains to be hypothetical,” dagdag niya.

Ipinahiwatig ng mga kaalyado ni Cayetano na dahil sa mataas na ratings ng speaker ay mas susuportahan nila itong manatiling lider ng Kamara.

Magugunitang sina Cayetano, Velasco at Leyte Rep. Martin Romualdez ay nagpahayag noon ng kagustuhang maging speaker hanggang mamagitan ang Pangulo at nabuo ang term-sharing sa pagitan nina Cayetano at Velasco kung saan sa unang 15 buwan si Cayetano at ang nalalabing 21 buwan sa 18th Congress ay para kay Velasco.

Habang si Romualdez ang magiging majority leader.

LENI RUBREDO RODRIGO ROA DUTERTE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with