Senator Alan Peter Cayetano
The Star/File
‘Pag pumalpak ang SEA Games, Cayetano mananagot - Palasyo
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 20, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mananagot ang Phi­lippine Southeast Asian Games Organizing Committee Chair at House Speaker Alan Peter Ca­yetano kapag nagkaroon ng bulilyaso sa idaraos na Southeast Asian Games, ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Kasunod ito ng pag­kuwestyon ni Sen. Franklin Drilon sa multi-mil­yong halaga ng cauldron na gagamitin sa SEA Games.

Ayon kay Drilon, kung ginamit ang P50 milyon na pondo para sa ‘kaldero’ ay nasa 50 classrooms na ang naipatayo.

“Speaker Alan Caye­tano is accountable to all that relates to the SEA games. Kung ano ang bulilyaso doon, siyempre siya, dahil siya ang nagpapatakbo si­yempre accountable siya but meanwhile let us not prejudge him,” sabi ni Panelo.

Inilarawan naman ni Rep. Joey Salceda na ‘Imeldific’ ang nasabing kaldero pero kinakaila­ngan naman ito bilang host country ng SEA Games.

“Kapag nakita mo ‘yung cauldron, mukhang reasonable naman kaso may Imeldific ‘yung da­ting, may grandiosity,” wika ni Salceda.

ALAN PETER CA­YETANO FRANKLIN DRILON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with