Mister napraning sa selos: Misis ginulpi, bahay sinunog
Raymund Catindig (Philstar.com) - November 19, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Matinding selos ang itinurong dahilan kung bakit sinunog ng isang senglot na mister ang sariling bahay matapos gulpihin ang kanyang misis sa Brgy. Barbar, San Juan, Ilocos Sur noong Linggo ng gabi.

Sa report ng pulisya, lighter lamang ang ginamit ni Alexander Valdez, 45-anyos sa pagsilab sa iba’t ibat parte ng kanilang bahay na mabilis namang kumalat ang apoy dakong alas-11:00 ng gabi.

Unang inalipusta ni Alexander ang misis na si Estrelita, 42, dahil sa mga naririnig na tsismis na pinagtataksilan siya ng huli. Kasunod nito ay pinagsusuntok niya ang misis sa mukha saka kinaladkad sa labas kasama ang mga anak nilang paslit saka nito sinilaban ang kanilang bahay.

Nabatid na naabo nang husto ang bahay at walang naisalbang anumang gamit mula sa apoy.

Sa ngayon, nanunu-luyan si Alexander sa selda ng presinto habang wala nang masisilungan ang kanyang pamilya.

PATAY SELOS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with