‘Yung assurance naman lahat ng sensitive information hindi idi-disclose,” pahayag ni Robredo sa banta ni Pangulong Duterte na tatanggalin sa puwesto ang bise presidente bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kapag inilantad nito ang mga sensitibong impormasyon sa ibang bansa.
OVP/Released
Walang info leak sa drug war - Rob­redo
Joy Cantos, Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tiniyak kahapon ni Vice President Leni Rob­redo na hindi niya ila­labas ang mga sensi­tibong impormasyon kaugnay sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

‘Yung assurance naman lahat ng sensitive information hindi idi-disclose,” pahayag ni Robredo sa banta ni Pangulong Duterte na tatanggalin sa puwesto ang bise presidente bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs kapag inilantad nito ang mga sensitibong impormasyon sa ibang bansa.

“Classified matters cannot be shared. Once [she does] that, she’s out, I would fire her. Because you jeopardized the security of the state,” sabi ng Pangulo.

Dumalo kahapon si Robredo sa pagdinig ng Senado sa panukalang P664.9-milyon budget ng Office of the Vice President para sa 2020.

Agad na nakapasa sa plenaryo ang panukalang budget ng OVP na ipinagpasalamat naman ni Robredo.

Una nang hiningi ni Robredo sa PDEA at PNP ang listahan ng mga high-value target (HVT) sa anti-drug campaign.

Nagpahayag naman ng pangamba si PDEA Director Gen. Aaron Aquino na kung ibibigay nila ito kay VP Leni, mawawalan na sila ng kontrol sa kung sino ang magkakaroon ng access sa listahan na posible ring magresulta sa pagkasunog ng kanilang operasyon.

Sabi ni Aquino, ang HVT list ay ikinokonsiderang classified information at hindi basta lamang ibinibigay sa iba. 

Sa kabila nito, sinabi ni Aquino na handa silang ibigay ang narcolist kay Robredo pero sa isang closed-door meeting na tanging mga tauhan lang na mayroong security clearance ang maaaring sumama.

Bilang tugon, sinabi ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Archie Gamboa na susunod sila sa desisyon ng PDEA tungkol sa request ng bise presidente.

Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang naibibigay na talaan ang PDEA at PNP ng mga HVT kay Robredo.

DRUG WAR LENI ROB­REDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with