“She is not a member of the cabinet. I have not appointed her as a cabinet member. You know why? Early on she was talking right and left that she would talk to this and talk to that. In the Cabinet meeting, we talk about what’s happening eh kung marinig nya dyan tapos dadaldal nya sa labas,” paliwanag ng Pangulo.
The STAR/Michael Varcas
VP Robredo hindi miyembro ng Gabinete
Rudy Andal (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hindi itinalaga si Vice-President Leni Robredo bilang miyembro ng gabinete kundi bilang co-chair ng Inter-Agency Committee Against Illegal Drugs (ICAD).

Ito ang nilinaw ng Pangulo sa isang pana­yam ng GMA News sa Davao City.

“She is not a member of the cabinet. I have not appointed her as a cabinet member. You know why? Early on she was talking right and left that she would talk to this and talk to that. In the Cabinet meeting, we talk about what’s happening eh kung marinig nya dyan tapos dadaldal nya sa labas,” paliwanag ng Pangulo.

Magugunita na nagbabala din ang Pangulo kay Robredo na sisibakin niya ito bilang drug czar kapag ipinamigay niya ang mga state secrets sa mga foreign individual o organizations na kinakausap nito.

Ilang ulit sinabi ng Malacañang na inalok ng Pangulo si Robredo na maging drug czar na may cabinet rank pero nilinaw ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na kapag walang kinalaman sa illegal drugs ang nasa agenda ay hindi na kailangang dumalo sa Cabinet meeting ang bise-presidente.

LENI ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with