Taglay ni Ramon ang lakas ng hangin na 100 kph at pagbugso na 125 kph at kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.
PAGASA Weather Satelite
‘Ramon’ naging severe tropical storm
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 19, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Lalo pang lumakas ang bagyong Ramon na ngayo’y isa nang severe tropical storm at nagbabanta sa northern Cagayan.

Taglay ni Ramon ang lakas ng hangin na 100 kph at pagbugso na 125 kph at kumikilos pa-hilaga hilagang kanluran sa bilis na 10 kph.

Bunga nito, nakataas ang signal no. 2 sa Cagayan kasama na ang Babuyan Islands, northern portion ng Isabela (Sta. Maria, San Pablo, Maconacon, Cabagan, Sto. Tomas, Quezon, Delfin Albano,Tumauini at  Divilacan), Apayao, Kalinga at Ilocos Norte.

Signal number 1 naman sa Batanes, Ilocos Sur, Benguet, Abra, Mountain Province, Ifugao, La Union, Northern Aurora laluna sa Dilasag, Casiguran at Dinalungan at nalalabing bahagi ng Isabela.

Inaasahang magla-landfall ang bagyo kagabi o ngayong Martes ng umaga at posibleng humina at maging isang tropical depression na lamang.

Bukod kay Ramon, isa pang weather disturbance ang inaasahang papasok sa Philippine area of responsibility sa loob ng 24 oras. 

Namataan ito sa layong 1,605 km silangan ng Eastern Visayas at posibleng maging bagyo.

Si Ramon ay inaasahang lalabas ng PAR sa Huwebes.

BAGYONG RAMON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with