P5 milyong sobrang singil ng Grab pinasosoli
MANILA, Philippines — Inatasan ng Philippine Competition Commission (PCC) ang Grab na i-refund o ibalik ang P5 milyong sobrang siningil ng naturang ride-hailing firm sa mga kostumer.
Napag-alamang nag-overcharge ang Grab nang lumagpas ito sa 22.5 percent na allowable deviation o pagkakaiba sa presyuhan bago mag-merge ang Grab at Uber, ayon sa PCC.
Ang overcharging ng Grab ay mula Pebrero hanggang Mayo ngayong taon, dagdag ng PCC.
Inaasahang matatanggap ng mga apektadong pasahero ang refund sa susunod na 60 araw mula nang matanggap ng Grab ang kautusan.
Bukod dito, inaprubahan din ng PCC ang voluntary commitments ng Grab para matiyak na maiwasan ang monopolya sa kompetisyon.
Sa pahayag ng Grab, sinabi nitong nirerespeto nito ang pasya ng PCC.
Makikipag-ugnayan ang Grab sa PCC para bayaran ang refund, sabi ng kompanya.
- Latest