DOJ panel tinapos na ang reinvestigation sa ‘ninja cops’
MANILA, Philippines — Tinapos na ng Department of Justice ang pag-iimbestiga sa mga kasong isinampa ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) laban sa mga pulis na isinasangkot sa maanomalyang drug raid sa Pampanga noong 2013.
Sa ika-limang preliminary investigation ng DoJ panel of prosecutors, submitted for resolution na ang kaso at naghain na rin ng kanilang rejoinder ang mga pulis at iba pang respondents sa reklamo.
Bukod sa ilang ninja cops, dumating din si Police Major Rodney Baloyo na sinasabing team leader sa isinagawang raid sa Mexico, Pampanga.
Maging si dating PNP chief Gen. Oscar Albayalde ay present para i-affirm o panumpaan ang kanyang rejoinder-affidavit.
Aabot sa 13 pulis ang inireklamo ng PNP-CIDG dahil sa kontrobersyal na drug operation.
Sinasabing sa isinagawang raid sa Pampanga noong 2013, nasa 200 kilo ang nasabat na shabu pero 38 kilo lang ang isinurender ng mga ninja cops para sa imbentaryo.
- Latest