^

Bansa

51 babaeng Chinese national nanasagip sa ‘sex den’ hiling madeport

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Umapela ang 51 babaeng Chinese national na nasagip ng mga awtoridad sa isang ‘prostitution den’ sa Parañaque City noong Setyembre 18, 2019 na maibiyahe na sila pabalik ng kanilang bansa.

Ito’y batay sa mga liham na natanggap ng Bureau of Immigration (BI) mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) at PAPIO Law Office.

Nitong Oktubre 10, 2019 nang hilingin ni Atty. Enrico Papio kay BI Commissioner Jaime H. Mo­rente na maipabalik na ang kaniyang 49 na kliyente sa pamamagitan ng ‘voluntary deportation’ upang makapiling na ang kanilang pamilya.

Nilinaw ni Atty. Papio na ang dalawa sa 51 Chinese nationals ay ipino-proseso na ng isang abugado kaya 49 lang dito ang kaniyang kinakatawan.

Unang nang hiniling ni Vicente Gregorio B. Tomas, Regional Director ng DSWD-NCR, kay Morente na kunin na ng Immigration ang kostudiya ng 51 babaeng Chinese nationals na nasa pangangalaga ng DSWD-NCR Haven for Women.

Alinsunod sa umiiral na batas, 59 araw lamang dapat manatili sa Pilipinas ang mga dayuhan na biktima ng Anti-Trafficking in Persons Act of 2003 o Republic Act 9208.

vuukle comment

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with