^

Bansa

Narcolist ibibigay kay Leni - PDEA

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Narcolist ibibigay kay Leni - PDEA
Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, tanging ang mga tauhan lang na mayroong security clearance ang maaaring sumama sa ‘close door meeting’ dahil itinuturing nilang isang classified document ang nasabing listahan na hindi maaaring basta-basta na lamang ibigay sa iba.
Philstar.com/John Unson/File

MANILA,Philippines — Handa ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na ibigay kay Vice Pres. Leni Robredo ang listahan ng mga High Value Target (HVT) pero sa isang closed-door meeting.

Ayon kay PDEA Dir. Gen. Aaron Aquino, tanging ang mga tauhan lang na mayroong security clearance ang maaaring sumama sa ‘close door meeting’ dahil itinuturing nilang isang classified document ang nasabing listahan na hindi maaaring basta-basta na lamang ibigay sa iba.

Giit ni Aquino, ma­ging siya ay hindi niya hawak ang kopya ng nasabing listahan dahil piling tao lamang aniya ang binibigyan nito.

“I myself has no copy of the list in my possession. What I am doing is I check it from time to time with my intelligence service and conduct workshops against these personalities,” ani Aquino.

Una dito ay nagpahayag ng pangamba si Aquino na kung ibibigay nila ito kay VP Leni, ma­wawalan na sila ng kontrol sa kung sino ang magkakaroon ng access sa listahan na posible ring magresulta sa pagkasunog ng kanilang operasyon.

Binigyang-diin din ni Aquino na dapat ay alam ng law enforcement ang mga regulasyon kaya hindi ito basta-basta ipinagkakaloob sa sinuman.

Nilinaw din ng PDEA chief na ang una niyang pagtanggi ay hindi na­ngangahulugan na wala siyang tiwala at respeto kay Robredo kundi ito’y isang standard operation procedure sa law enforcement operations.

Nabatid na ang classified information gaya ng listahan ng mga HVT ay hindi tinalakay sa mga nakalipas na Inter-Agency Committee on Anti-illegal Drugs meeting. 

Una nang sinabi ni Aquino, na co-chair ni Robredo sa ICAD, na labas na sa mandato ng bise presidente ang pagkakaroon ng talaan ng mga high-value targets.

vuukle comment

HIGH VALUE TARGET

HVT

PDEA

PHILIPPINE DRUG ENFORCEMENT AGENCY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with