^

Bansa

PAGCOR, tatanggap muli ng medical aid applications

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
PAGCOR, tatanggap muli ng medical aid applications
Ayon sa PAGCOR, pagtitibayin ng ahensya ang pakikipag-ugnayan nito sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kung saan isusumite ang mga walk-in requests para i-endorso.
Pagcor Davao/File

MANILA,Philippines — Makakahingi na muli ng financial assistance ang mga pasyente mula sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) matapos na muling buksan ng ahensya ang pagtanggap sa mga aplikasyon para sa medical financial assistance simula ngayong Lunes, Nobyembre 18.

Ayon sa PAGCOR, pagtitibayin ng ahensya ang pakikipag-ugnayan nito sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), kung saan isusumite ang mga walk-in requests para i-endorso.

“Under the arrangement, PAGCOR will be able to tap the assistance of PCSO, which has more human and organizational resources and experience in processing requests for medical assistance,” ayon sa PAGCOR.

Sa oras na maberipika ang aplikasyon, mag-iisyu ang PCSO ng ‘guarantee letter’.

Pansamantalang itinigil ng PAGCOR ang pagbibigay ng assistance matapos na mahuli ang isang mag-asawa na namemeke ng dokumento upang makakuha ng financial aid sa PAGCOR.  

Nagbigay babala ang PAGCOR laban sa mga paggamit ng bogus documents.

vuukle comment

PAGCOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with