^

Bansa

Murang gamot sa diabetes, high blood hiniling ni Sen. Go

Pilipino Star Ngayon

MANILA,Philippines — Habang pinag-uusapan pa sa Senado na palawigin ang Cheaper Medicine Act of 2002 ay hiniling na muna ni Sen. Bong Go sa Pangulo na pababain ang presyo ng gamot sa sakit na diabetes at high blood.

Ayon kay Sen. Go, karamihan sa mga Pinoy ay may sakit na diabetes at high blood kaya hiniling nito kay Pangulong Duterte na magpalabas ng Executive Order na nag-aatas na mapababa ang pres­yo ng mga gamot sa nasabing karamdaman.    

“Wala pong pinipili ang mga sakit na ito. Ang masaklap lang, ang mahihirap ay cannot afford po ang mga gamot para dito,” anang Senador.

Sa ngayon aniya ay may kamahalan ang pres­yo ng gamot na bahagi ng maintenance medicine ng mga senior citizens na may mataas na sugar level, diabetes at sakit sa baga.

Si Go ang chairman ng Committee on Helth sa Senado ay nagsabing puspusan ang ginagawa nila ngayong pagtalakay para sa maximum drug retail price sa ilalim na rin ng expanded cheaper medicine act.

Umaasa ang bagitong Senador mula sa Davao City na mabilis nilang maipapasa ang pag-amyemda sa pagpapatupad ng murang gamot sa bansa.

vuukle comment

CHEAPER MEDICINE ACT OF 2002

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with