Si Vice President Leni Robredo nang dumalo bilang pa­nauhing pandangal sa pagdiriwang ng ika-11 anibersaryo ng Walk for Land, Walk for Justice” ng Banasi farmers sa Bula, Camarines Sur kahapon. Ang mga magsasaka ng Banasi ay nagmartsa nang 444 kilometro mula Bula hanggang sa Malakanyang noong Nobyembre 2008 para ipaglaban ang kanilang lupain.
OVP photo
‘Robredo pinipiringan sa drug campaign’- Solon
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Mistulang nais uma­nong piringan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Phi­lippine National Police (PNP)  si Vice President Leni Robredo sa drug campaign ng pamahalaan.

Ito ang mariing pa­tutsada kahapon ni Albay Rep. Edcel Lagman matapos namang italagang anti-drug czar ni Pangulong Rodrigo Duterte si Robredo.

Idiniin ni Lagman na hindi maaring piringan o pagkaitan ng mga ki­nakailangang impormasyon ng PDEA at PNP si Robredo  sa bago nitong papel bilang anti-drug czar . 

“Policy reorientation on the anti-narcotics campaign must be data and evidence-based. Vice President Robredo’s request for a copy of the list of high value targets and drug addicts is essential and not beyond comprehension,” ani Lagman.

 Sinabi ni Lagman na kabilang sa data ay ang tunay na listahan ng mga napatay sa brutal na giyera kontra droga na kinakailangan para isulong ang pagbabago sa drug campaign upang mabawasan ang pagdanak ng dugo na siyang nais ng bagong anti-drug czar.

“Without these empirical data, the Vice President will be galloping blindly on a redirected anti-drugs drive,” ang sabi pa nito.

ROBREDO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with