Ginawaran ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Order of Lapu-Lapu Rank of Kampilan ang isa sa mga nasu­gatang sundalo sa isang labanan sa Samar nang dalawin niya ang mga ito sa Divine World Hospital sa Tacloban City kamakalawa.
Malacañang photo
Napatay na mga sundalo sa Samar pinarangalan ni Duterte
Malou Escudero (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Personal na dinalaw at binigyang-parangal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga sundalong napatay at nasugatan  matapos makaenkuwentro ang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Borongan City, Eastern Samar  noong Nobyembre 11.

Nagtungo ang Pa­ngulo sa Camp General Vicente Lukban sa Catbalogan City kung saan pinagkalooban niya ng award na  “Order of Lapu-Lapu, Rank of Kalasag” ang mga napatay na sundalo.

Ang mga ito ay sina  SSgt. Rex Jadulco, Sgt. Ronaldo Go, Sgt. Limar Banug, Cpl. Junmar Buranday, Cpl. Kent Lloyd Agullo, at Pfc. Charlie Del Rosario.

Bukod sa mga napatay na sundalo, 24 na iba pa ang nasugatan sa engkuwentro.

 Ang 16 sa mga sugatang sundalo na naka-confine sa Camp Lukban Station Hospital ay binigyan ng “Order of Lapu-Lapu, Rank of Kampilan” ng Pangulo.

Ang apat namang iba pa na nasugatan sa kahiwalay na engkuwentro ay binigyan din ng award na Order of Lapu-Lapu.

Nakatanggap naman ng tulong pinansiyal ang dependents ng mga sundalo mula sa gobyerno samantalang ang ibang suporta ay nagmula sa Comprehensive Social Benefit Program. 

Maging ang mga nasugatang sundalo at pulis ay binigyan din ng pinansiyal na suporta.

DEAD
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with