Gun ban ikinasa sa SEA Games
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 17, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang 25 araw na gun ban upang matiyak ang seguridad kaugnay ng gaganaping ika-30 Southeast Asian  (SEA) Games sa bansa.

Base sa ibinabang Memorandum ni PNP  Officer-in-Charge Police Lt. Gen. Archie Gamboa sa Regional Director ng National Capital Region Police Office (NCRPO), CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Ri­zal, Quezon) Region IV-A at Central Luzon (Region 3) Police at maging sa buong lalawigan ng La Union ay suspendido muna ang lahat ng Permit To Carry Firearms Outside of Residence (PTCFOR).

Ang 25 araw na gun ban ay epektibong ipatutupad mula Nobyembre 20 (Miyerkules) at tatagal hanggang Disyembre 14 ng taong ito.

Sa mga nabanggit na rehiyon  gaganapin ang ika-30 SEA Games na iho-host ng bansa.

GUN BAN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with