^

Bansa

Mga pulis na may kaso walang year-end bonus

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Mga pulis na may kaso walang year-end bonus
Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, naka-hold ang bonus ng mga pulis na may kaso bilang bahagi ng disciplinary policy ng PNP.
PNP Photo

MANILA, Philippines — Walang matatanggap na year-end bonus ang mga pulis na nahaharap sa kasong administratibo at kriminal.

Ayon kay PNP Spokesperson P/Brig. Gen. Bernard Banac, naka-hold ang bonus ng mga pulis na may kaso bilang bahagi ng disciplinary policy ng PNP.

Ginawa ni Banac ang pahayag kasabay ng pag-anunsyo na matatanggap na sa mga ATM accounts ng mga pulis ang kanilang mga year-end bonus na katumbas ng isang buwang sahod kasama ang P5,000 cash gift.

Inihayag naman ni Police Brig. Joselito Vera Cruz, Director ng Finance Service na ang mga PNP personnel na hindi pa naka-enroll sa ATM payroll system ay makakatanggap naman ng mga tseke sa pamamagitan ng Regional Finance Service Offices.

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with