^

Bansa

Bagyong 'Ramon' humina, halos hindi gumagalaw

Philstar.com
Bagyong 'Ramon' humina, halos hindi gumagalaw
Mula sa lakas na 75 kilometro kada oras kaninang umaga, humina ang taglay nitong hangin na nasa 65 kilometro kada oras na lamang.
Released/PAGASA

MANILA, Philippines — Bahagyang humina ang Tropical Storm Ramon habang halos hindi gumagalaw sa East Philippine Sea, ayon sa pinakahuling weather update ng PAGASA.

Kaninang alas-kwatro ng hapon, namataan ang bago 490 kilometro silangan ng Tugegarao City, Cagayan.

Mula sa lakas na 75 kilometro kada oras kaninang umaga, humina ang taglay nitong hangin na nasa 65 kilometro kada oras na lamang.

May bugso naman itong dala na papalo nang hanggang 80 kilometro kada oras at may halos "stationary" na pagkilos.

Nakataas pa rin ang tropical cyclone wind signal no. 1 sa mga sumusunod na lugar:

  • silangang bahagi ng Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-lo, Gattaran, Baggao at Peñablanca)
  • silangang bahagi ng Isabela (Maconacon, Divilacan, Palanan at Dinapigue)
  • Northern Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan)

"Ngayong araw, may inaasahan tayong gusty condition, o 'yung mga bugsu-bugsong malalakas na hangin dulot ng Amihan at Ramon sa Northern Luzon," ayon kay Aldczar Aurelio, weather specialist ng PAGASA.

Samantala, binabantayan naman ang bagyong "Fengshen" na umiiral 2,155 kilometro silangan ng Extreme Northern Luzon.

"Bahagyang lumakas ito [at] naging typhoon. Ang lakas ng hanging ito ay nasa 150 kilometers per hour, samantalang ang pagbugso ng hangin ay nasa 185 kilometers per hour," dagdag ni Aurelio.

"Hindi pa rin ito papasok sa [Philippine Area of Responsibility]." — James Relativo

vuukle comment

PAGASA

RAMON

TROPICAL STORM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with