"Bahagya itong nag-northward, kaya't hindi po ito lumapit masyado sa ating kalupaan kaya't 'yung mga pag-ulan natin, hindi masyado malalakas," ani Meno Mendoza, weather specialist ng PAGASA.
Released/PAGASA
Bagyong 'Ramon' lumakas, kumikilkos pahilaga kaya 'di gaano dama
James Relativo (Philstar.com) - November 15, 2019 - 10:44am

MANILA, Philippines — Patuloy na nag-iipon ng lakas ang Tropical Storm Ramon ngunit hindi pa gaano maramdaman ang buong hagupit nito sanhi ng kasalukuyang direksyon ng bagyo.

Ito ang ibinahagi ng weather bureau sa kanilang weather update kaninang alas-singko ng umaga.

"Bahagya itong nag-northward, kaya't hindi po ito lumapit masyado sa ating kalupaan kaya't 'yung mga pag-ulan natin, hindi masyado malalakas," ani Meno Mendoza, weather specialist ng PAGASA.

"Dito lang po mararamdaman sa eastern part ng Northern at Central Luzon."

Kaninang alas-kwatro ng umaga, natagpuan ang mata ng bagyong "Ramon" 445 kilometro silangan hilagangsilangan ng Casiguan, Aurora.

Binabagtas nito ang direksyong pahilaga sa bilis na 15 kilometro kada oras.

Nagtataglay ito ng lakas na aabot ng 75 kilometro kada oras malapit sa gitna at may mga pagbugsong papalo ng hanggang 90 kilometro kada oras.

Mas malakas 'yan sa 65 kilometro kada oras na lakas at 80 kilometro kada oras na bugso kagabi.

Samantala, patuloy namang nararamdaman ang Hanging Amihan sa Hilagang Luzon.

"Inaasahan po na ang ating bagyo pa rin ay posibleng mag-landfall naman dto po sa Cagayan, Isabela, Aurora pa rin, at 'yan po naman ay sa araw po ng Linggo, sa pagitan ng Linggo ng gabi hanggang Lunes ng madaling araw," dagdag pa ni Mendoza.

Signal No. 1 nakataas pa rin

Nakataas pa rin ang Tropical Cyclone Wind Signal sa ilang bahagi ng bansa.

Mararamdaman ang Signal No. 1 sa:

  • timogsilangan bahagi ng Cagayan (Peñablanca at Baggao)
  • silangang bahagi ng Isabela (Divilacan, Palanan, Dinapigue at Maconacon)
  • hilagang Aurora (Dilasag, Casiguran at Dinalungan) 
  • Polillo Islands

Bagama't Signal No. 2 kahapon sa Catanduanes ay tuluyan na itong ni-lift mula sa lugar.

Makatitikim naman ng mahihina hanggang katamtaman na may sunud-sunod na malalakas na pag-ulan sa silangang bahagi ng Cagayan at Isabela, Kabikulan, Romblon, Isla ng Panay at Cuyo Islands.

PAGASA RAMON TROPICAL STORM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with