Sinabi ni Gamboa na nakumbinse nila si Robredo na huwag ng tanggalin ang Oplan Tokhang kung saan dapat ay magkaroon lamang ng ‘retoo­ling’ o bagong mukha sa giyera kontra droga.
Edd Gumban/File
‘Oplan Tokhang’ tuloy - PNP
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tuloy ang Oplan Tokhang upang matuldukan ang problema sa droga sa bansa.

Ito ang inihayag kahapon ni PNP Officer-in-Charge P/Lt. Gen. Archie Gamboa matapos makipagpulong kay drug czar Vice Pres. Leni Robredo kaugnay ng mga istratehiyang ipatutupad sa drug war.

Sinabi ni Gamboa na nakumbinse nila si Robredo na huwag ng tanggalin ang Oplan Tokhang kung saan dapat ay magkaroon lamang ng ‘retoo­ling’ o bagong mukha sa giyera kontra droga.

“We were able to convince her, meron lang (probably repackaging or retooling on how it’s going to be presented pero  she is convinced that indeed the Philippine Anti-Drug Strate­gy (PADS) is already a strategy that can be adapted outright,” ani Gamboa.

Ayon kay Gamboa, naliwanagan na rin si Rob­redo sa totoong kahulugan ng Oplan Tokhang na terminong Visayan na “Toktok Hangyo” o “Knock and plead “ para kumbinsihin ang mga drug pushers at users na sumuko sa batas.

“It had became a byword kasi parang madali siyang maalala parang kantong usapan, she’s also convince na yung Tokhang ay hindi naman (death) ang kahulungan, bisaya kasi kami tokhang came from a visayan word, kung titingnan mo yun there’s no killing in Tokhang,” sabi niya.

Inihayag ni Gamboa na ang nais lamang ni Leni ay ipaintindi ang Tokhang sa publiko sa pamamagitan ng isa pang programa.

Magugunita na nais nang ipaalis ni Robredo ang Oplan Tokhang bu­nga ng balitang marami ang napapatay na mga drug suspect dahil sa panlalaban sa mga pulis.

 

TOKHANG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with