Ang nasabing datos ay isinumite ng BFP sa Energy Regulatory Commission (ERC) kasunod na rin ng panibagong serye ng mga sunog sa mga poste ng PECO na naitala noong Oktubre 19 hanggang 21 na una nang inireklamo sa ahensya at kasalukuyang na nitong iniimbestigahan.
STAR/File
1,464 sunog sa Iloilo dahil sa poste ng power firm - BFP
(Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inamin ng Bureau of Fire Protection (BFP) na sa 2,887 naitalang sunog sa Iloilo City simula 2014 ay 1,464 dito ay mula sa mga poste ng Panay Electric Company (PECO).

Ang nasabing datos ay isinumite ng BFP sa Energy Regulatory Commission (ERC) kasunod na rin ng panibagong serye ng mga sunog sa mga poste ng PECO na naitala noong Oktubre 19 hanggang 21 na una nang inireklamo sa ahensya at kasalukuyang na nitong iniimbestigahan.

Ayon sa BFP, hindi nasosolusyunan ang problema sa pagkasunog ng mga poste ng PECO sa nakalipas na limang taon dahil na rin sa kawalan ng kumpanya ng mga trained technical personnel na agad na makapagsasagawa ng trouble shoot sakaling may aberya sa mga poste. Lumilitaw na ta­nging nangangasiwa rito ay mga personnel na ang ginagawa ay monitoring at nagdodukumento ng mga kaso.

Sa report sa ERC, inamin ni Iloilo City Fire Marshall Chief Inspector Christophe Regencia na bulto ng kanilang resources para sa sunog ay napupunta sa PECO dahil sa mga aberya.

Bilang depensa, sinabi ng PECO na kailangan na magkaroon muna ng final technical assessment para matukoy kung sila talaga ang pinagmumulan ng sunog sa mga electric poles gayong may iba pang mga kable ang nakadikit sa mga poste gaya ng sa telecommunications at cable TV companies.

Kinontra ito ni Regencia sa pagsasabing mas matitibay ang mga kable ng telecoms at cable TV na nasa 24 volt charge kumpara sa 220 voltage charge na gamit ng PECO.

Sinabi ng BFP na sa kanilang imbestigasyon ay lumilitaw na “Short Circuit Secondary Service Lines” o sa madaling salita ay mga exposed electricity wires ang pinagmulan ng sunog gayundin ang pagkakaroon ng mga jumper.

Ang magkakasunod na sunog sa mga poste noong nakaraang buwan ang nag-udyok sa lokal na pamahalaan ng Iloilo City na ireklamo na ang kumpanya sa Malacañang at ERC.

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with