Sa 5 p.m. weather bulletin ng PAGASA, si Ramon ay namataan sa 500 km silangan ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.
PAGASA
‘Ramon’ napanatili ang lakas
Angie dela Cruz, Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Napanatili ng bagyong Ramon ang kanyang lakas habang papalapit sa Cagayan.

Sa 5 p.m. weather bulletin ng PAGASA, si Ramon ay namataan sa 500 km silangan ng Baler, Aurora taglay ang lakas ng hangin na 65 kph at may pagbugsong 80 kph.

Nakataas ang Signal number 2 sa Catanduanes.

Signal number 1 naman sa eastern portion ng Isabela, northern Aurora, Polillo Island, Camarines Norte, Camarines Sur at Albay.

Samantala, umaabot sa mahigit 3,000 pasahero ang istranded sa mga pantalan sa Bicol Region at ilang bahagi ng Eastern Visayas sanhi ng masamang lagay ng panahon.

Sa report ng Office of Civil Defense (OCD) Region V at VIII, ang mga istranded na pasahero ay naitala sa mga pantalan ng Camarines Sur, Albay, Catanduanes, Sorsogon, Northern Samar at Western Samar.

Kabilang dito ang 1, 237 na pasahero sa Matnog, Sorsogon pier; 325 sa Tabaco City port, 153 sa Pio Duran, Albay at ang iba pa ay sa iba pang mga pantalan sa mga apektadong lugar na nakakaranas ng malalakas na pagbuhos ng ulan.

Nasa 699 rolling cargoes, 18 vessels at 10 bangkang de motor naman ang hindi muna pinayagang makabiyahe.

Kaugnay nito, nasa 429 namang katao ang inilikas sa kanilang mga tahanan sa Tinambac, Camarines Sur sanhi ng landslide.

Nagsuspinde na rin ng mga klase sa lahat ng antas sa mga paaralan sa Bicol Region.

Pinaghahanda naman ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang publiko sa posibleng pananalasa ng bagyo partikular na sa mga naninirahan sa mga mababang lugar at malapit sa mga bulubunduking lugar sa posibleng mga pagbaha at landslide.

PAGASA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with